Monday, July 25, 2016

Korean Model Jinri Park, Nominated For Eviction Sa "Pinoy Big Brother: Lucky 7"



Naantig ang mga manonood ng masaksihan ang nominasyon para sa eviction ng "Pinoy Big Brother: Lucky 7" (PBB), lalong higit sa Korean personality na si Jinri Park na nagsabing hindi pa nya gustong umalis sa bahay ni Kuya.


"Kasi feeling ko if I go out, I'm gonna get more depressed," sabi ni Park, na kasalukuyang naninirahang mag-isa at malayo sa kanyang mga magulang na nasa Korea. "I don't have family sa Philippines so if I go out, I'll be alone again. ...Ayaw ko umalis pero sometimes in life you have no choice.".

Ayon kay Park, na dating FHM cover girl, sumali sya sa PBB upang ipakita at patunayan na hindi sya basta 'sexy image' na nakikita ng tao. Subalit ang pakikisama nya sa bahay ni Kuya ay hindi naging sapat para sa mga housemates dahil daw sa pagiging mailap nito sa kanila.

Naging emosyonal sya ng magkwento sya tungkol sa naging karanasan nya sa mga celebrities ng PBBB sa Vietnam, kung saan nagkaron sya ng inggit sa mga talento ng ibang celebrities.



"Medyo mahirap to love myself. Because that's the problem, I compare myself with other people. You feel like you're not good at anything. Because I haven't found anything I'm good at."

Si Jinri Park ay nominated for eviction kasama sina Brazilian-Japanese hunk Hideo Muraoka, actress Yassi Pressman, at young singer Juan Karlos Labajo. Ibinoto sya ng kanyang mga housemates sa kadahilanang hindi pa nila makilala ang totoong Jinri Park.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

PSE and Financial Related Stuff