Sunday, July 10, 2016

Halos 4,000 na Drug Pushers at Users sa Tagum City, Umamin at Sumuko na!




Libu-libong mga Drug Pushers at Users sumuko sa Otoridad noong Sabado sa Tagum City. Ayon sa pulisya, ito na ang pinaka maraming bilang ng mga sangkot sa Illegal Drugs na sumuko sa ilalim ng pamumuno ni Pres. Duterte.



Nanumpa si Pres. Duterte na lilipulin nya ang mga sangkot sa illegal drugs bago pa lamang sya maupo sa pwesto, at simula noon ay marami ng napatay na mga drug pushers at users. Ito ang naging dahilan kung bakit parami na ng parami ang mga sumusukong drug pushers at users sa iba't ibang sulok ng bansa. Ipinahayag pa ni Pres. Duterte kamakailan sa national television ang ilan sa mga Heneral na protektor ng mga sindikato ng ipinagbabawal na droga at ipinaliwanag pa nya ang detalyadong ugnayan ng mga ito sa isa't isa. Ang pagpuksa sa mga matataas at makapangyarihang sangkot sa droga ang pinaka mabisang paraan upang malipul at mapuksa ang operasyon ng mga sindikatong nagpapatakbo at sangkot sa ipinagbabawal na droga.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

PSE and Financial Related Stuff