Sunday, July 31, 2016

IHI, Ginawang Tubig Na Pwedeng Inumin!



Nakagawa ang mga siyentista mula sa isang unibersidad sa Belgium ng isang aparato na ginagawang inuming tubig ang ihi.



Napatunayan nilang gumagana ang kanilang imbensyon nang isalang nila ito ng sampung araw sa isang music festival kung saan madami ang tao. Matapos ang sampung araw ay nagawa nilang makalikom ng 1,000 litro ng malinis na inu-ming tubig mula sa ihi ng mga taong nagsidalo sa nasabing music festival.





Gumagana ang aparato sa pamamagitan ng paghihiwalay ng tubig mula sa ammonia at iba pang nutrients na taglay ng ihi. Nagiging posible ito sa pamamagitan ng napakapinong pansala na nasa loob ng aparato at ng solar power o init ng araw.

Ang target ngayon ng mga siyentista ay ang makagawa ng mas malaking bersyon ng kanilang aparato na puwedeng gamitin sa mga pampublikong lugar katulad ng mga airport. Hangad din nilang makatulong ang kanilang imbensyon sa mga mahihirap na bansa na may problema sa pagkakaroon ng malinis na inuming tubig.

(Philstar)

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

PSE and Financial Related Stuff