Monday, July 18, 2016

5 Sangkot Umano Sa Droga, PATAY Sa Magkakahiwalay Na Insidente



Limang hinihinalang tulak ng droga ang napatay sa magdamag. Isa namang hinihinalang biktima ng salvage ang itinapon sa bangketa sa Maynila.


Isang lalaki ang nakitang nakahandusay at wala ng buhay sa Brgy Guadalupe Makati City. Pinagbabaril umano siya ng apat na lalaking sakay ng mga motor mag aala-una ng mdaling araw kanina. maliban sa pagiging tulak, kilala ring holdaper sa Edsa Guadalupe ang nasabing biktima. Sa di kalayuan, natagpuan ding patay ang dating construction worker at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na si Raffy Macaraig. Kwento ng nakasaksi, pinagbabaril ng hindi pa nakikilang salarin si Macaraig sa labas ng isang carinderia sa Brgy. Olympia.






Sa kanilang barung-barong naman sa Paco Maynila, pinagbabaril ang hinihinalang tulak na si Marvin Del Barrio. Ayon sa kinakasama nya na si Ella, natutulog na sila ng bigla silang ilawan ng mga lalaking nakatakip ang mukha. 

Sa Muntinlupa City, pinagbabaril hanggang sa mamatay ang hinihinalang Drug Pusher na si Ronnie Saltua. 

Sa Maynila, agad ring binawian ng buhay si Rommel Navarro ng manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy bust operation sa Tondo. Bumulagta siya sa loob ng abandonadong bahay na ginagawa ring Drug Den.

Pinagkaguluhan naman sa Lerma St. Smpaloc ang bangkay ng hinihinalang biktima ng summary execution. Ayon sa isang nakakita, isang puting kotse ang nagtapon sa bangkay sa gilid ng bangketa.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

PSE and Financial Related Stuff