Wednesday, July 20, 2016

Pangulong Duterte Suportado Ng China Sa Kampanya Laban Sa Droga



Ipinahayag ng CHINA kahapon na handa silang tumulong kay Pangulong Rodrigo "Digong" Duterte sa pagtuligsa sa ipinagbabawal na gamot na kasalukuyang laganap sa Pilipinas.


Sa kalatas na ipinahayag ng Chinese Embassy sa Manila kahapon, sinabi ng China na lubos nilang nauunawaan na ang prayoridad ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng Duterte administration ay ang pagbuwag ng mga sindikato ng droga. "China fully understands that the Philippine government under the leadership of H.E. President Rodrigo Duterte has taken it as a top priority in cracking down drug-related crimes," ayon sa salaysay ng Chinese Embassy.






Ayon sa China, suportado nila ang bagong administrasyon ng Pilipinas sa layunin nitong mapuksa ang mga drug lords o pusher na nagpapakalat ng illegal na droga sa bansa.

Iginiit pa ng China na wala silang pinapanigan pagdating sa paglaban sa droga at meron din silang mahigpit na batas laban sa mga sangkot sa droga na ipinapataw nila sa kahit anong nasyonalidad.

"Illicit drugs are common enemy of the mankind. Fighting against all drug-related crimes is shared responsibility of all countries in the world," ayon sa China.

Ang pahayag na ito ng China ay kasunod sa sinabi ng Pangulong Duterte na kapag nagkaroon siya ng pagkakataon ay kakausapin o sisitahin niya ang China dahil sa pagdagsa ng mga Tsino sa ating bansa at karamihan ay sangkot sa illegal drug trade.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

PSE and Financial Related Stuff