Friday, June 24, 2016

16-Anyos Na Lalaki Na Inutusang Magbenta Ng SHABU, Naaresto Ng NBI




Naaresto ng NBI Cavite District Office ang isang lalaki bago ito makapagbenta ng 30 gramo ng shabu sa Mendez Cavite. Subalit pagka-aresto nito ay ibinunyag nya na sya ay 16-anyos pa lamang. Ang suspek na menor de edad ay mula sa San Pedro Laguna at sa Cavite sana nya idedeliver ang mga shabu.




Ayon sa pulisya, sinasadya daw ng mga pushers na i-distribute ang mga shabu sa ibang bayan dahil umiiwas silang mahuli ng mga awtoridad sa kanilang sariling bayan. Base naman sa Intel report, ang ama ng nasabing menor de edad ay kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison sa kasong Droga. Samantalang ang kanya namang kapatid na 22-anyos na nag-uutos sa kanya para magdeliver ng droga ay nagtatago at kasulukuyang pinaghahahanap ng mga awtoridad.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

PSE and Financial Related Stuff