Tuesday, June 21, 2016

Isang Hitman Nangikil Ng Pera Kapalit Ng Buhay Ng Isang Netizen


Isang lalaki na nagpakilalang isang 'Hitman' ang nagtangkang mangikil kay Gilbert Obispo. Ishinare ni Obispo ang VIDEO ng voice recording ng pag-uusap nila ng nasabing pekeng hitman sa kanyang Facebook page. Base sa kanilang pag-uusap, tinakot ng scammer hitman na papatayin nya si Obispo kapag hindi sya nakapagbigay ng halagang P60,000.

Maririnig sa VIDEO na sa umpisa ay mukhang pumapayag si Obispo sa kagustuhan ng scammer hitman at tinanong pa nya ang mga detalye sa kung paano nya maibibigay ang pera. Ngunit ng sinabi ng scammer na kailangang maipadala na nya ang pera sa loob lamang ng isang oras ay di na sumang-ayon si Obispo, sa halip ay iminungkahi nya na magpapadala na lang sya ng tao para magkita sila ng scammer hitman sa Marikina.





Hindi sumang-ayon ang scammer hitman sa iminungkahi ni Obispo, bagkos ay binalaan pa sya nito. Panoorin nyo ang VIDEO para marinig nyo ang kabuuan ng kanilang usapan. 

"Sa totoo lang, ganyan na istilo hindi yan maka-ano sa amen. Alam ko nandyan sa isip mo, kahit di mo sabihin saken alam ko yan sa totoo lang. Kaya kung di ka papayag samen na ipapadala mo sa Cebuana, wag na lang kaibigan. Tapusin na lang naten yung pinag-usapan, kaya eto lang yung masasabi ko sayo... hindi ako nakikipagbiruan sayo." Ayon sa scammer hitman.

Binalaan ni Obispo ang mga netizens na maging maingat sa mga impormasyon na pinopost nila online at wag gawing public ang profile nila sa Facebook.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

PSE and Financial Related Stuff